Awit 18

Kayo, O Diyos, ang naghihiganti para sa akin, at ipinapasailalim mo ang mga bansa sa aking kapangyarihan.

Psalm 18:47 (UKJV) It is God that avenges me, and subdues the people under me.

45Nawawalan sila ng lakas ng loob, kaya lumalabas sila sa kanilang pinagtataguan na nanginginig sa takot.

46Buháy kayo, Panginoon! Karapat-dapat kayong purihin at dakilain, O Diyos na aking batong kanlungan at Tagapagligtas!

47Kayo, O Diyos, ang naghihiganti para sa akin, at ipinapasailalim mo ang mga bansa sa aking kapangyarihan.

48Inililigtas nʼyo ako sa mararahas kong kalaban, at pinagtatagumpay nʼyo ako sa kanila.

49Kaya pararangalan ko kayo sa mga bansa. O Panginoon, aawitan ko kayo ng mga papuri.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.