Awit 18

Akoʼy iniligtas nʼyo sa mga rebelde, at ginawa nʼyo akong pinuno ng maraming bansa. Kahit ang mga hindi nakakakilala sa akin, pinaglingkuran na nila ako ngayon.

Psalm 18:43 (UKJV) You have delivered me from the strivings of the people; and you have made me the head of the heathen: a people whom I have not known shall serve me.

41Humingi sila ng tulong, ngunit walang tumulong sa kanila. Tumawag din sila sa inyo Panginoon, ngunit kayoʼy hindi tumugon.

42Dinurog ko sila hanggang sa naging alikabok na lang na inililipad ng hangin, at tinatapak-tapakan na parang putik sa kalsada.

43Akoʼy iniligtas nʼyo sa mga rebelde, at ginawa nʼyo akong pinuno ng maraming bansa. Kahit ang mga hindi nakakakilala sa akin, pinaglingkuran na nila ako ngayon.

44Yumuyukod sila sa aking harapan. Naririnig pa lang nila ang tungkol sa akin, sumusunod agad sila sa utos ko.

45Nawawalan sila ng lakas ng loob, kaya lumalabas sila sa kanilang pinagtataguan na nanginginig sa takot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.