Awit 19

Ang kautusan ng Panginoon ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga kulang sa kaalaman.

Psalm 19:7 (UKJV) The law of the LORD is perfect, converting the soul: the testimony of the LORD is sure, making wise the simple.

5Tuwing umagaʼy sumisikat ito katulad ng isang lalaking ikakasal na masayang lumalabas ng kanyang tahanan. O kayaʼy isang manlalarong kampeon na sabik na sabik sumabak sa takbuhan.

6Itoʼy sumisikat sa silangan, at lumulubog sa kanluran; walang di mahahagip ng init nitong taglay.

7Ang kautusan ng Panginoon ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga kulang sa kaalaman.

8Ang mga tuntunin ng Panginoon ay tama at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan. Ang mga utos ng Panginoon ay malinaw at nagbibigay-liwanag sa kaisipan.

9Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapadalisay ng puso; mananatili ito magpakailanman. Ang mga utos ng Panginoon ay matuwid at makatarungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.