Awit 20

Sanaʼy tanggapin niya ang iyong mga handog, pati na ang mga handog mong sinusunog.

Psalm 20:3 (UKJV) Remember all your offerings, and accept your burnt sacrifice; Selah.

1Pakinggan nawa ng Panginoon ang iyong mga daing, sa oras ng kaguluhan. At sanaʼy ingatan ka ng Diyos ni Jacob.

2Sanaʼy tulungan ka niya mula sa kanyang Templo roon sa Zion.

3Sanaʼy tanggapin niya ang iyong mga handog, pati na ang mga handog mong sinusunog.

4Sanaʼy ibigay niya ang iyong kahilingan, at ang iyong mga binabalak ay magtagumpay.

5Sa pagtatagumpay mo kami ay sisigaw sa kagalakan, at magdiriwang na nagpupuri sa ating Diyos. Ipagkaloob nawa ng Panginoon ang lahat mong kahilingan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.