Awit 22

Pinapalibutan ako ng mga masasama, para silang mga asong nakapaligid sa akin. At tinusok nila ang aking mga kamay at mga paa.

Psalm 22:16 (UKJV) For dogs have compassed me: the assembly of the wicked have enclosed me: they pierced my hands and my feet.

14Nawalan ako ng lakas na parang tubig na ibinubuhos, at ang aking mga buto ay parang nalinsad lahat. At nawalan ako ng lakas ng loob, para akong nauupos na kandila.

15Ang aking kalakasan ay natuyo na parang tigang na lupa, at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngala-ngala. O Panginoon, pinabayaan nʼyo ako sa lupa na parang isang patay.

16Pinapalibutan ako ng mga masasama, para silang mga asong nakapaligid sa akin. At tinusok nila ang aking mga kamay at mga paa.

17Naglalabasan na ang lahat ng aking mga buto, ngunit akoʼy kanilang tinitingnan lamang.

18Ang aking mga damit ay kanilang pinaghati-hatian, nagpalabunutan sila para sa aking panloob na kasuotan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.