16Pinapalibutan ako ng mga masasama, para silang mga asong nakapaligid sa akin. At tinusok nila ang aking mga kamay at mga paa.
17Naglalabasan na ang lahat ng aking mga buto, ngunit akoʼy kanilang tinitingnan lamang.
18Ang aking mga damit ay kanilang pinaghati-hatian, nagpalabunutan sila para sa aking panloob na kasuotan.
19Ngunit kayo, Panginoon, huwag po kayong maging malayo sa akin. Kayo ang aking kalakasan; magmadali kayo at akoʼy tulungan.
20Iligtas nʼyo ang buhay ko sa espada ng aking mga kaaway na tulad ng mga pangil ng aso,