Awit 22

Ngunit kayo, Panginoon, huwag po kayong maging malayo sa akin. Kayo ang aking kalakasan; magmadali kayo at akoʼy tulungan.

Psalm 22:19 (UKJV) But be not you far from me, O LORD: O my strength, haste you to help me.

17Naglalabasan na ang lahat ng aking mga buto, ngunit akoʼy kanilang tinitingnan lamang.

18Ang aking mga damit ay kanilang pinaghati-hatian, nagpalabunutan sila para sa aking panloob na kasuotan.

19Ngunit kayo, Panginoon, huwag po kayong maging malayo sa akin. Kayo ang aking kalakasan; magmadali kayo at akoʼy tulungan.

20Iligtas nʼyo ang buhay ko sa espada ng aking mga kaaway na tulad ng mga pangil ng aso,

21Iligtas nʼyo ako sa mga kuko ng leon, o sungay ng toro. Sagutin nʼyo po ang aking dalangin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.