Awit 22

Panginoon, sa inyo nagmumula ang kasiglahan kong magpuri sa inyo sa gitna ng buong sambayanan. Sa gitna ng mga taong may takot sa inyo, tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo.

Psalm 22:25 (UKJV) My praise shall be of you in the great congregation: I will pay my vows before them that fear him.

23Kayong may takot sa Panginoon, purihin ninyo siya! Kayong mga lahi ni Jacob na siyang bayan ng Israel, parangalan ninyo siya at matakot kayo sa kanya!

24Hindi niya binabalewala ang mga mahihirap. Hindi niya sila tinatalikuran, sa halip ay pinakikinggan pa niya ang kanilang mga pagtawag.

25Panginoon, sa inyo nagmumula ang kasiglahan kong magpuri sa inyo sa gitna ng buong sambayanan. Sa gitna ng mga taong may takot sa inyo, tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo.

26Kakain ang mga dukha hanggang sa mabusog. Pupurihin kayo ng mga lumalapit sa inyo. Sanaʼy sumakanila ang mabuti at mahabang buhay magpakailanman.

27Panginoon, maaalala kayo ng tao sa buong mundo, at sila ay manunumbalik at sasamba sa inyo,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.