21Iligtas nʼyo ako sa mga kuko ng leon, o sungay ng toro. Sagutin nʼyo po ang aking dalangin.
22Ikukuwento ko sa mga kababayan ko ang lahat ng tungkol sa inyo. At sa gitna ng kanilang pagtitipon, kayo ay aking papupurihan.
23Kayong may takot sa Panginoon, purihin ninyo siya! Kayong mga lahi ni Jacob na siyang bayan ng Israel, parangalan ninyo siya at matakot kayo sa kanya!
24Hindi niya binabalewala ang mga mahihirap. Hindi niya sila tinatalikuran, sa halip ay pinakikinggan pa niya ang kanilang mga pagtawag.
25Panginoon, sa inyo nagmumula ang kasiglahan kong magpuri sa inyo sa gitna ng buong sambayanan. Sa gitna ng mga taong may takot sa inyo, tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo.