Awit 22

Panginoon, maaalala kayo ng tao sa buong mundo, at sila ay manunumbalik at sasamba sa inyo,

Psalm 22:27 (UKJV) All the ends of the world shall remember and turn unto the LORD: and all the families of the nations shall worship before you.

25Panginoon, sa inyo nagmumula ang kasiglahan kong magpuri sa inyo sa gitna ng buong sambayanan. Sa gitna ng mga taong may takot sa inyo, tutuparin ko ang aking mga pangako sa inyo.

26Kakain ang mga dukha hanggang sa mabusog. Pupurihin kayo ng mga lumalapit sa inyo. Sanaʼy sumakanila ang mabuti at mahabang buhay magpakailanman.

27Panginoon, maaalala kayo ng tao sa buong mundo, at sila ay manunumbalik at sasamba sa inyo,

28sapagkat kayo ang naghahari, at namumuno sa lahat ng bansa.

29Kaya magdiriwang at sasamba sa inyo ang lahat ng mayayaman sa buong mundo. Luluhod sa inyo ang lahat ng mga mortal, sila na babalik sa alikabok.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.