4Ang aming mga ninuno ay sa inyo nagtiwala, at silaʼy inyong iniligtas.
5Tinulungan nʼyo sila nang sila ay tumawag sa inyo. Sila ay nagtiwala at hindi nabigo.
6Akoʼy hinahamak at hinihiya ng mga tao. Sinasabi nila na para akong higad at hindi tao.
7Bawat makakita sa akin ay nangungutya, nang-aasar, at iiling-iling na nagsasabi,
8“Hindi baʼt nagtitiwala ka sa Panginoon, bakit hindi ka niya iniligtas? Hindi baʼt nalulugod siya sa iyo, bakit hindi ka niya tinulungan?”