Awit 25

Sa inyo, o Diyos, akoʼy nagtitiwala. Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya ako at pagtawanan ng aking mga kaaway dahil sa aking pagkatalo.

Psalm 25:2 (UKJV) O my God, I trust in you: let me not be ashamed, let not mine enemies triumph over me.

1Panginoon kong Diyos, sa inyo, akoʼy nananalangin.

2Sa inyo, o Diyos, akoʼy nagtitiwala. Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya ako at pagtawanan ng aking mga kaaway dahil sa aking pagkatalo.

3Ang sinumang nagtitiwala sa inyo ay hindi malalagay sa kahihiyan, ngunit mapapahiya ang mga traydor.

4Ituro nʼyo sa akin, Panginoon, ang tamang pamumuhay, ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.