4Ituro nʼyo sa akin, Panginoon, ang tamang pamumuhay, ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.
5Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Diyos na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan.
6Panginoon, alalahanin po ninyo ang inyong dakilang pag-ibig at kabutihan, na inyong ipinakita mula pa noong una.
7Alalahanin ninyo ako Panginoon, ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig, huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko mula pa noong aking pagkabata.
8Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon, kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan ang mga makasalanan.