Awit 25

Alalahanin ninyo ako Panginoon, ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig, huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko mula pa noong aking pagkabata.

Psalm 25:7 (UKJV) Remember not the sins of my youth, nor my transgressions: according to your mercy remember you me for your goodness' sake, O LORD.

5Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Diyos na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan.

6Panginoon, alalahanin po ninyo ang inyong dakilang pag-ibig at kabutihan, na inyong ipinakita mula pa noong una.

7Alalahanin ninyo ako Panginoon, ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig, huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko mula pa noong aking pagkabata.

8Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon, kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan ang mga makasalanan.

9Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba upang gumawa ng tama. Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.