Awit 25

Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Diyos na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan.

Psalm 25:5 (UKJV) Lead me in your truth, and teach me: for you are the God of my salvation; on you do I wait all the day.

3Ang sinumang nagtitiwala sa inyo ay hindi malalagay sa kahihiyan, ngunit mapapahiya ang mga traydor.

4Ituro nʼyo sa akin, Panginoon, ang tamang pamumuhay, ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.

5Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Diyos na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan.

6Panginoon, alalahanin po ninyo ang inyong dakilang pag-ibig at kabutihan, na inyong ipinakita mula pa noong una.

7Alalahanin ninyo ako Panginoon, ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig, huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko mula pa noong aking pagkabata.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.