Awit 25

Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba upang gumawa ng tama. Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.

Psalm 25:9 (UKJV) The meek will he guide in judgment: and the meek will he teach his way.

7Alalahanin ninyo ako Panginoon, ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig, huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko mula pa noong aking pagkabata.

8Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon, kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan ang mga makasalanan.

9Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba upang gumawa ng tama. Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.

10Lahat ng ginagawa nʼyo ay nagpapakita ng inyong pag-ibig at katapatan sa mga sumusunod sa inyong mga kautusan.

11Panginoon, alang-alang sa inyong pangalan, patawarin nʼyo ako sa napakarami kong kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.