8Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon, kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan ang mga makasalanan.
9Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba upang gumawa ng tama. Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.
10Lahat ng ginagawa nʼyo ay nagpapakita ng inyong pag-ibig at katapatan sa mga sumusunod sa inyong mga kautusan.
11Panginoon, alang-alang sa inyong pangalan, patawarin nʼyo ako sa napakarami kong kasalanan.
12Ang sinumang may takot sa inyo, Panginoon, ay turuan nʼyo po ng daan na dapat niyang lakaran.