4Hindi ako sumasama sa mga taong sinungaling at mapagpanggap.
5Kinaiinisan ko ang mga pagsasama-sama ng masasamang tao, at hindi ako nakikisama sa kanila.
6Naghuhugas ako ng kamay upang ipakitang akoʼy walang kasalanan. Pagkatapos, pumupunta ako sa inyong altar, O Panginoon,
7at umaawit ng papuriʼt pasasalamat. Sinasabi ko sa mga tao ang lahat ng inyong mga kahanga-hangang ginawa.
8Panginoon, mahal ko ang iyong tahanan, na siyang kinaroroonan ng inyong kaluwalhatian.