6Naghuhugas ako ng kamay upang ipakitang akoʼy walang kasalanan. Pagkatapos, pumupunta ako sa inyong altar, O Panginoon,
7at umaawit ng papuriʼt pasasalamat. Sinasabi ko sa mga tao ang lahat ng inyong mga kahanga-hangang ginawa.
8Panginoon, mahal ko ang iyong tahanan, na siyang kinaroroonan ng inyong kaluwalhatian.
9Huwag nʼyo po akong parusahang kasama ng mga makasalanan, gaya ng mga mamamatay-tao.
10Palagi silang handang gumawa ng masama, at nanghihingi ng suhol.