Awit 27

Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan, at hilingin ang kanyang patnubay.

Psalm 27:4 (UKJV) One thing have I desired of the LORD, that will I seek after; that I may dwell in the house of the LORD all the days of my life, to behold the beauty of the LORD, and to enquire in his temple.

2Kapag sinasalakay ako ng masasamang tao o ng aking mga kaaway upang patayin, sila ang nabubuwal at natatalo!

3Kahit mapaligiran ako ng maraming kawal, hindi ako matatakot. Kahit salakayin nila ako, magtitiwala ako sa Diyos.

4Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan, at hilingin ang kanyang patnubay.

5Sa oras ng kagipitaʼy itatago niya ako sa kanyang Templo, at ilalagay niya ako sa ligtas na lugar.

6Kaya mananaig ako sa mga kaaway ko na nakapaligid sa akin. Maghahandog ako sa Templo ng Panginoon habang sumisigaw sa kagalakan, umaawit at nagpupuri.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.