4Isang bagay ang hinihiling ko sa Panginoon, ito ang tanging ninanais ko: na akoʼy manirahan sa kanyang Templo habang akoʼy nabubuhay, upang mamasdan ko ang kanyang kadakilaan, at hilingin ang kanyang patnubay.
5Sa oras ng kagipitaʼy itatago niya ako sa kanyang Templo, at ilalagay niya ako sa ligtas na lugar.
6Kaya mananaig ako sa mga kaaway ko na nakapaligid sa akin. Maghahandog ako sa Templo ng Panginoon habang sumisigaw sa kagalakan, umaawit at nagpupuri.
7Dinggin nʼyo Panginoon ang aking pagtawag. Kahabagan nʼyo ako at sagutin ang aking dalangin.
8Panginoon, hinipo nʼyo ang aking puso na lumapit sa inyo, kaya narito ako, lumalapit sa inyo.