Awit 28

Tumatawag ako sa inyo, Panginoon, ang aking Batong kanlungan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin! Dahil kung hindi, matutulad ako sa mga patay na nasa libingan.

Psalm 28:1 (UKJV) Unto you will I cry, O LORD my rock; be not silent to me: lest, if you be silent to me, I become like them that go down into the pit.

1Tumatawag ako sa inyo, Panginoon, ang aking Batong kanlungan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin! Dahil kung hindi, matutulad ako sa mga patay na nasa libingan.

2Pakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo! Humingi ako sa inyo ng tulong, habang itinataas ang aking mga kamay sa harap ng inyong banal na Templo.

3Huwag nʼyo akong parusahan kasama ng masasamâ. Nagkukunwari silang mga kaibigan, pero ang plano palaʼy pawang kasamaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.