1Purihin ang Panginoon, kayong mga nilalang sa kalangitan. Purihin ang Panginoon sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan.
2Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan. Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya.
3Ang tinig ng Panginoong Diyos na makapangyarihan ay dumadagundong na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan.
4Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan at kagalang-galang.
5Ang tinig ng Panginoon ay makakabali at makakapagpira-piraso ng pinakamatibay na mga puno ng sedro sa Lebanon.