3Ang tinig ng Panginoong Diyos na makapangyarihan ay dumadagundong na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan.
4Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan at kagalang-galang.
5Ang tinig ng Panginoon ay makakabali at makakapagpira-piraso ng pinakamatibay na mga puno ng sedro sa Lebanon.
6Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang mga bundok sa Lebanon at ang bundok ng Hermon, na parang mailap na baka na tumatalon-talon.
7Ang tinig ng Panginoon ang nagpapakidlat.