7Ang tinig ng Panginoon ang nagpapakidlat.
8Ang tinig din ng Panginoon ang nagpapayanig sa Disyerto ng Kades.
9Sa tinig ng Panginoon, napapagalaw ang mga puno ng ensina, at nalalagas ang mga dahon sa kagubatan. At ang lahat ng nasa Templo ay sumisigaw, “Ang Diyos ay makapangyarihan!”
10Ang Panginoon ang may kapangyarihan sa mga baha. Maghahari siya magpakailanman.
11Ang Panginoon ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan, at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.