Awit 34

Ang masamang tao ay papatayin ng kanyang kasamaan. At silang nagagalit sa taong matuwid ay parurusahan ng Diyos.

Psalm 34:21 (UKJV) Evil shall slay the wicked: and they that hate the righteous shall be desolate.

19Marami ang paghihirap ng mga matutuwid, ngunit inililigtas sila ng Panginoon sa lahat ng ito.

20Silaʼy iniingatan ng Panginoon, at kahit isang buto nilaʼy hindi mababali.

21Ang masamang tao ay papatayin ng kanyang kasamaan. At silang nagagalit sa taong matuwid ay parurusahan ng Diyos.

22Ngunit ililigtas ng Panginoon ang kanyang mga lingkod, at hindi parurusahan ang isa man sa mga naghahanap ng kaligtasan sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.