17Tinutugon ng Panginoon ang panalangin ng mga matuwid, at inililigtas sila sa lahat ng mga suliranin.
18Malapit ang Panginoon sa mga may bagbag na puso, at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.
19Marami ang paghihirap ng mga matutuwid, ngunit inililigtas sila ng Panginoon sa lahat ng ito.
20Silaʼy iniingatan ng Panginoon, at kahit isang buto nilaʼy hindi mababali.
21Ang masamang tao ay papatayin ng kanyang kasamaan. At silang nagagalit sa taong matuwid ay parurusahan ng Diyos.