9At akoʼy magagalak dahil sa inyong pagliligtas sa akin, Panginoon.
10Buong puso kong isisigaw, “Panginoon, wala kayong katulad! Kayo ang nagliligtas sa mga dukha at api mula sa mga mapagsamantala.”
11May mga malupit na taong sumasaksi laban sa akin. Ang kasalanang hindi ko ginawa ay ibinibintang nila sa akin.
12Ginagantihan nila ako ng masama sa mga kabutihang aking ginawa, kaya akoʼy labis na nagdaramdam.
13Kapag silaʼy nagkakasakit akoʼy nalulungkot para sa kanila; nagdaramit ako ng sako at nag-aayuno pa. At kung ang aking dalangin para sa kanilaʼy hindi sinasagot,