1Panginoon, kontrahin nʼyo po ang mga kumukontra sa akin. Labanan nʼyo ang mga kumakalaban sa akin.
2Kunin nʼyo ang inyong kalasag, at akoʼy inyong tulungan.
3Ihanda nʼyo ang inyong mga sibat, para sa mga taong humahabol sa akin. Gusto kong marinig na sabihin nʼyo, “Ako ang magpapatagumpay sa iyo.”
4Mapahiya sana ang mga taong naghahangad na akoʼy patayin. Paatrasin nʼyo at biguin ang mga nagpaplano ng masama sa akin.