2Kunin nʼyo ang inyong kalasag, at akoʼy inyong tulungan.
3Ihanda nʼyo ang inyong mga sibat, para sa mga taong humahabol sa akin. Gusto kong marinig na sabihin nʼyo, “Ako ang magpapatagumpay sa iyo.”
4Mapahiya sana ang mga taong naghahangad na akoʼy patayin. Paatrasin nʼyo at biguin ang mga nagpaplano ng masama sa akin.
5Maging gaya sana sila ng ipa na tinatangay ng hangin, habang silaʼy itinataboy ng inyong anghel.
6Maging madilim sana at madulas ang kanilang dinadaanan, habang silaʼy hinahabol ng inyong anghel.