Awit 35

Maging gaya sana sila ng ipa na tinatangay ng hangin, habang silaʼy itinataboy ng inyong anghel.

Psalm 35:5 (UKJV) Let them be as chaff before the wind: and let the angel of the LORD chase them.

3Ihanda nʼyo ang inyong mga sibat, para sa mga taong humahabol sa akin. Gusto kong marinig na sabihin nʼyo, “Ako ang magpapatagumpay sa iyo.”

4Mapahiya sana ang mga taong naghahangad na akoʼy patayin. Paatrasin nʼyo at biguin ang mga nagpaplano ng masama sa akin.

5Maging gaya sana sila ng ipa na tinatangay ng hangin, habang silaʼy itinataboy ng inyong anghel.

6Maging madilim sana at madulas ang kanilang dinadaanan, habang silaʼy hinahabol ng inyong anghel.

7Naghukay sila at naglagay ng bitag para sa akin, kahit wala akong ginawang masama sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.