Awit 35

Ihanda nʼyo ang inyong mga sibat, para sa mga taong humahabol sa akin. Gusto kong marinig na sabihin nʼyo, “Ako ang magpapatagumpay sa iyo.”

Psalm 35:3 (UKJV) Draw out also the spear, and stop the way against them that persecute me: say unto my soul, I am your salvation.

1Panginoon, kontrahin nʼyo po ang mga kumukontra sa akin. Labanan nʼyo ang mga kumakalaban sa akin.

2Kunin nʼyo ang inyong kalasag, at akoʼy inyong tulungan.

3Ihanda nʼyo ang inyong mga sibat, para sa mga taong humahabol sa akin. Gusto kong marinig na sabihin nʼyo, “Ako ang magpapatagumpay sa iyo.”

4Mapahiya sana ang mga taong naghahangad na akoʼy patayin. Paatrasin nʼyo at biguin ang mga nagpaplano ng masama sa akin.

5Maging gaya sana sila ng ipa na tinatangay ng hangin, habang silaʼy itinataboy ng inyong anghel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.