9Panginoon, alam nʼyo ang lahat kong hinahangad, at naririnig nʼyo ang lahat kong mga daing.
10Kumakabog ang aking dibdib at akoʼy nanghihina; pati ang ningning ng aking mga mata ay tuluyan nang nawala.
11Dahil sa aking karamdaman, akoʼy iniwasan ng aking mga kaibigan, kasamahan, at maging ng aking mga kamag-anak.
12Ang mga tao na gustong pumatay sa akin ay naglalagay ng bitag upang akoʼy hulihin. Ang mga gustong manakit sa akin ay nag-uusap na akoʼy ipahamak. Buong araw silang nagpaplano ng kataksilan.
13Ngunit para akong pipi at bingi na hindi nakaririnig at hindi nakapagsasalita.