16Kayaʼt hinihiling ko sa inyo: “Huwag nʼyong hayaang matuwa ang aking mga kaaway o kayaʼy magmalaki sila kapag akoʼy natumba.”
17Akoʼy parang babagsak na sa walang tigil na paghihirap.
18Inaamin ko ang aking mga kasalanan; Binabagabag ako ng mga ito.
19Tungkol naman sa aking mga kaaway, napakarami at napakalakas nila. Kinamumuhian nila ako nang walang dahilan.
20Sa mabuti kong ginawa, sinusuklian nila ako ng masama. At kinakalaban nila ako dahil nagsisikap akong gumawa ng mabuti.