15Sapagkat naghihintay pa rin ako sa inyo, Panginoon. Batid kong sasagutin nʼyo ako, Panginoon kong Diyos.
16Kayaʼt hinihiling ko sa inyo: “Huwag nʼyong hayaang matuwa ang aking mga kaaway o kayaʼy magmalaki sila kapag akoʼy natumba.”
17Akoʼy parang babagsak na sa walang tigil na paghihirap.
18Inaamin ko ang aking mga kasalanan; Binabagabag ako ng mga ito.
19Tungkol naman sa aking mga kaaway, napakarami at napakalakas nila. Kinamumuhian nila ako nang walang dahilan.