1Sinabi ko sa aking sarili, “Ang ugali koʼy aking babantayan, ang magkasala sa pananalitaʼy aking iiwasan. Bubusalan ko ang aking mga labi kapag nasa piling ng masasamang tao.”
2Kaya tumahimik ako at walang anumang sinabi kahit mabuti, ngunit lalong nadagdagan ang sakit ng aking kalooban.
3Akoʼy tunay na nabahala, at sa kaiisip koʼy lalo akong naguluhan, kaya nang hindi ko na mapigilan ay sinabi ko: