Awit 39

Kaya tumahimik ako at walang anumang sinabi kahit mabuti, ngunit lalong nadagdagan ang sakit ng aking kalooban.

Psalm 39:2 (UKJV) I was dumb with silence, I held my peace, even from good; and my sorrow was stirred.

1Sinabi ko sa aking sarili, “Ang ugali koʼy aking babantayan, ang magkasala sa pananalitaʼy aking iiwasan. Bubusalan ko ang aking mga labi kapag nasa piling ng masasamang tao.”

2Kaya tumahimik ako at walang anumang sinabi kahit mabuti, ngunit lalong nadagdagan ang sakit ng aking kalooban.

3Akoʼy tunay na nabahala, at sa kaiisip koʼy lalo akong naguluhan, kaya nang hindi ko na mapigilan ay sinabi ko:

4“Panginoon, ipabatid nʼyo po sa akin kung kailan ang aking katapusan at kung ilan ang nalalabing mga araw; ipaalala ninyong ang buhay ko ay pansamantala lamang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.