Awit 39

“Panginoon, ipabatid nʼyo po sa akin kung kailan ang aking katapusan at kung ilan ang nalalabing mga araw; ipaalala ninyong ang buhay ko ay pansamantala lamang.

Psalm 39:4 (UKJV) LORD, make me to know mine end, and the measure of my days, what it is: that I may know how frail I am.

2Kaya tumahimik ako at walang anumang sinabi kahit mabuti, ngunit lalong nadagdagan ang sakit ng aking kalooban.

3Akoʼy tunay na nabahala, at sa kaiisip koʼy lalo akong naguluhan, kaya nang hindi ko na mapigilan ay sinabi ko:

4“Panginoon, ipabatid nʼyo po sa akin kung kailan ang aking katapusan at kung ilan ang nalalabing mga araw; ipaalala ninyong ang buhay ko ay pansamantala lamang.

5Kay ikli ng buhay na ibinigay nʼyo sa akin. Katumbas lang ng isang saglit para sa inyo. Itoʼy parang hangin lamang na dumadaan,

6o kayaʼy parang anino na nawawala. Abala siya sa mga bagay na wala namang kabuluhan. Nagtitipon siya ng kayamanan, ngunit kapag siyaʼy namatay, hindi na niya alam kung sino ang makikinabang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.