Awit 40

Panginoon kong Diyos, wala kayong katulad. Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin, at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin. Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.

Psalm 40:5 (UKJV) Many, O LORD my God, are your wonderful works which you have done, and your thoughts which are toward us: they cannot be reckoned up in order unto you: if I would declare and speak of them, they are more than can be numbered.

3Tinuruan niya ako ng bagong awit, ang awit ng pagpupuri sa ating Diyos. Marami ang makakasaksi at matatakot sa Panginoon, at silaʼy magtitiwala sa kanya.

4Mapalad ang taong sa Panginoon nagtitiwala, at hindi lumalapit sa mga mapagmataas, o sumasamba sa mga diyos-diyosan.

5Panginoon kong Diyos, wala kayong katulad. Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin, at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin. Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.

6Hindi kayo nalulugod sa ibaʼt ibang klaseng handog. Hindi kayo humihingi ng handog na sinusunog at handog para sa kasalanan. Itoʼy inyong ipinaunawa sa aking isipan.

7Kaya sinabi ko, “Narito ako. Sa inyong Kasulatan ay nakasulat ang tungkol sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.