Awit 40

Kaya sinabi ko, “Narito ako. Sa inyong Kasulatan ay nakasulat ang tungkol sa akin.

Psalm 40:7 (UKJV) Then said I, Lo, I come: in the volume of the book it is written of me,

5Panginoon kong Diyos, wala kayong katulad. Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin, at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin. Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.

6Hindi kayo nalulugod sa ibaʼt ibang klaseng handog. Hindi kayo humihingi ng handog na sinusunog at handog para sa kasalanan. Itoʼy inyong ipinaunawa sa aking isipan.

7Kaya sinabi ko, “Narito ako. Sa inyong Kasulatan ay nakasulat ang tungkol sa akin.

8O Diyos, nais kong sundin ang inyong kalooban. Ang inyong mga kautusan y iniingatan ko sa aking puso.”

9Sa malaking pagtitipon ng inyong mga mamamayan, inihayag ko ang inyong pagliligtas. At alam nʼyo, Panginoon, na hindi ako titigil sa paghahayag nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.