Awit 40

Sa malaking pagtitipon ng inyong mga mamamayan, inihayag ko ang inyong pagliligtas. At alam nʼyo, Panginoon, na hindi ako titigil sa paghahayag nito.

Psalm 40:9 (UKJV) I have preached righteousness in the great congregation: lo, I have not refrained my lips, O LORD, you know.

7Kaya sinabi ko, “Narito ako. Sa inyong Kasulatan ay nakasulat ang tungkol sa akin.

8O Diyos, nais kong sundin ang inyong kalooban. Ang inyong mga kautusan y iniingatan ko sa aking puso.”

9Sa malaking pagtitipon ng inyong mga mamamayan, inihayag ko ang inyong pagliligtas. At alam nʼyo, Panginoon, na hindi ako titigil sa paghahayag nito.

10Hindi ko sinasarili ang pagliligtas nʼyo sa akin. Ibinabalita ko na kayo ay nagliligtas at maaasahan. Hindi ako tumatahimik kapag nagtitipon ang inyong mga mamamayan. Sinasabi ko sa kanila ang inyong pag-ibig at katotohanan.

11Panginoon, huwag nʼyong pigilin ang awa nʼyo sa akin. Ang inyong pag-ibig at katapatan ang laging mag-iingat sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.