2Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon. Ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi mapahamak.
3Tinuruan niya ako ng bagong awit, ang awit ng pagpupuri sa ating Diyos. Marami ang makakasaksi at matatakot sa Panginoon, at silaʼy magtitiwala sa kanya.
4Mapalad ang taong sa Panginoon nagtitiwala, at hindi lumalapit sa mga mapagmataas, o sumasamba sa mga diyos-diyosan.
5Panginoon kong Diyos, wala kayong katulad. Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin, at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin. Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.
6Hindi kayo nalulugod sa ibaʼt ibang klaseng handog. Hindi kayo humihingi ng handog na sinusunog at handog para sa kasalanan. Itoʼy inyong ipinaunawa sa aking isipan.