Awit 44

O Diyos, narinig namin mula sa aming mga ninuno ang tungkol sa mga ginawa nʼyo sa kanila noong kanilang kapanahunan. Matagal nang panahon ang lumipas.

Psalm 44:1 (UKJV) We have heard with our ears, O God, our fathers have told us, what work you did in their days, in the times of old.

1O Diyos, narinig namin mula sa aming mga ninuno ang tungkol sa mga ginawa nʼyo sa kanila noong kanilang kapanahunan. Matagal nang panahon ang lumipas.

2Ang mga bansang hindi naniniwala sa inyo ay pinalayas nʼyo sa kanilang mga lupain at pinarusahan. Samantalang ang aming mga ninuno ay itinanim nʼyo roon at pinalago.

3Nasakop nila ang lupain, hindi dahil sa kanilang mga armas. Nagtagumpay sila hindi dahil sa kanilang lakas, kundi sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, pagpapala at kakayahan, dahil mahal nʼyo sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.