Awit 44

Ang mga bansang hindi naniniwala sa inyo ay pinalayas nʼyo sa kanilang mga lupain at pinarusahan. Samantalang ang aming mga ninuno ay itinanim nʼyo roon at pinalago.

Psalm 44:2 (UKJV) How you did drive out the heathen with your hand, and planted them; how you did afflict the people, and cast them out.

1O Diyos, narinig namin mula sa aming mga ninuno ang tungkol sa mga ginawa nʼyo sa kanila noong kanilang kapanahunan. Matagal nang panahon ang lumipas.

2Ang mga bansang hindi naniniwala sa inyo ay pinalayas nʼyo sa kanilang mga lupain at pinarusahan. Samantalang ang aming mga ninuno ay itinanim nʼyo roon at pinalago.

3Nasakop nila ang lupain, hindi dahil sa kanilang mga armas. Nagtagumpay sila hindi dahil sa kanilang lakas, kundi sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, pagpapala at kakayahan, dahil mahal nʼyo sila.

4O Diyos, kayo ang aking Hari na nagbigay ng tagumpay sa amin na lahi ni Jacob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.