23Sige na po, Panginoon! Kumilos na kayo! Huwag nʼyo kaming itakwil magpakailanman.
24Bakit nʼyo kami binabalewala? Bakit hindi nʼyo pinapansin ang aming pagdurusa at ang pang-aapi sa amin?
25Nagsibagsak na kami sa lupa at hindi na makabangon.
26Sige na po, tulungan nʼyo na kami. Iligtas nʼyo na kami dahil sa inyong pagmamahal sa amin.