Awit 5

Ang mga mapagmataas ay hindi mananatili sa inyong harapan. Ang mga taong gumagawa ng kasamaan ay inyong kinasusuklaman.

Psalm 5:5 (UKJV) The foolish shall not stand in your sight: you hate all workers of iniquity.

3Tuwing umaga, O Panginoon naririnig ninyo ang aking panalangin. Bawat umaga, akoʼy humihiling at umaasa sa inyong kasagutan.

4Kayo ay Diyos na hindi natutuwa sa kasamaan, at hindi nʼyo tinatanggap ang taong namumuhay sa kasalanan.

5Ang mga mapagmataas ay hindi mananatili sa inyong harapan. Ang mga taong gumagawa ng kasamaan ay inyong kinasusuklaman.

6Pinupuksa ninyo ang mga sinungaling. Kinasusuklaman ninyo ang mga mamamatay-tao at ang mga mandaraya.

7Ngunit dahil sa inyong wagas na pag-ibig, akoʼy makakapasok sa inyong tahanan. At bilang paggalang, akoʼy magpapatirapa sa inyong banal na Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.