Awit 5

Tuwing umaga, O Panginoon naririnig ninyo ang aking panalangin. Bawat umaga, akoʼy humihiling at umaasa sa inyong kasagutan.

Psalm 5:3 (UKJV) My voice shall you hear in the morning, O LORD; in the morning will I direct my prayer unto you, and will look up.

1O Panginoon, mga salita koʼy iyong dinggin; ang mga hinaing koʼy bigyang-pansin.

2Aking Diyos at Hari, ang paghingi ko ng tulong ay inyong dinggin, sapagkat sa inyo ako nananalangin.

3Tuwing umaga, O Panginoon naririnig ninyo ang aking panalangin. Bawat umaga, akoʼy humihiling at umaasa sa inyong kasagutan.

4Kayo ay Diyos na hindi natutuwa sa kasamaan, at hindi nʼyo tinatanggap ang taong namumuhay sa kasalanan.

5Ang mga mapagmataas ay hindi mananatili sa inyong harapan. Ang mga taong gumagawa ng kasamaan ay inyong kinasusuklaman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.