Awit 5

Aking Diyos at Hari, ang paghingi ko ng tulong ay inyong dinggin, sapagkat sa inyo ako nananalangin.

Psalm 5:2 (UKJV) Hearken unto the voice of my cry, my King, and my God: for unto you will I pray.

1O Panginoon, mga salita koʼy iyong dinggin; ang mga hinaing koʼy bigyang-pansin.

2Aking Diyos at Hari, ang paghingi ko ng tulong ay inyong dinggin, sapagkat sa inyo ako nananalangin.

3Tuwing umaga, O Panginoon naririnig ninyo ang aking panalangin. Bawat umaga, akoʼy humihiling at umaasa sa inyong kasagutan.

4Kayo ay Diyos na hindi natutuwa sa kasamaan, at hindi nʼyo tinatanggap ang taong namumuhay sa kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.