Awit 52

“Tingnan ninyo ang taong hindi nanalig sa Diyos bilang matibay niyang kanlungan. Sa halip, nagtiwala lang sa kanyang masaganang kayamanan, at patindi nang patindi ang kanyang kasamaan.”

Psalm 52:7 (UKJV) Lo, this is the man that made not God his strength; but trusted in the abundance of his riches, and strengthened himself in his wickedness.

5Ngunit dudurugin ka ng Diyos nang tuluyan. Dadakpin ka at kakaladkarin palabas ng bahay; bubunutin ka mula rito sa mundo ng mga buháy.

6Makikita ito ng mga matuwid at magtataka sila. Pagtatawanan ka nila at sasabihing,

7“Tingnan ninyo ang taong hindi nanalig sa Diyos bilang matibay niyang kanlungan. Sa halip, nagtiwala lang sa kanyang masaganang kayamanan, at patindi nang patindi ang kanyang kasamaan.”

8Ngunit akoʼy tulad ng punong olibo na yumayabong sa loob ng bahay ng Diyos. Nagtitiwala ako sa kanyang pag-ibig, magpakailanman.

9Pasasalamatan ko kayo magpakailanman dahil sa mga ginawa ninyo. At sa harapan ng mga matatapat sa inyo, ipapahayag ko ang kabutihan ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.