6Makikita ito ng mga matuwid at magtataka sila. Pagtatawanan ka nila at sasabihing,
7“Tingnan ninyo ang taong hindi nanalig sa Diyos bilang matibay niyang kanlungan. Sa halip, nagtiwala lang sa kanyang masaganang kayamanan, at patindi nang patindi ang kanyang kasamaan.”
8Ngunit akoʼy tulad ng punong olibo na yumayabong sa loob ng bahay ng Diyos. Nagtitiwala ako sa kanyang pag-ibig, magpakailanman.
9Pasasalamatan ko kayo magpakailanman dahil sa mga ginawa ninyo. At sa harapan ng mga matatapat sa inyo, ipapahayag ko ang kabutihan ninyo.